Itinuturing na ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria “Joma” Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na “No. 1 enemy of the Philippine state”.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sison na ang pagbanta ni Pangulong Duterte na ihinto ng militar ang pagtanggap sa mga sumusukong rebeldeng New People’s Army (NPA) ay indikasyon na nabigo ang presidente sa isinusulong nitong localized peace talks.

Sinabi pa ni Sison na maraming military officers ang naniniwalang si Duterte ang kalaban ng estado dahil sa mga pag-aresto na walang judicial warrant, malawakang pagpatay, at culture of impunity.

-Beth Camia
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador