TOKYO (AP) — Iniimbestigahan ng Japanese police ang pagkamatay ng apat na matatandang pasyente sa isang ospital sa central Japan matapos pumalya ang air conditioning sa kanilang mga silid.

Kinumpirma ng pulis sa Gifu nitong Martes na ang mga pasyente, pawang nasa kanilang 80s, ay namatay sa Y&M Fujikake Daiichi Hospital nitong Linggo at Lunes, posibleng dahil sa heat stroke. Sila ay nasa ikatlo at ikaapat na palapag ng ospital sa Gifu, kung saan ang temperatura ay lumagpas sa 36 degrees Celsius (96 Fahrenheit) ng mga araw na iyon.

Sinisilip ng pulisya ang posibleng negligence na nagresulta sa pagkamatay sa pribadong ospital na dalubhasa sa elderly care. May search warrant na para sa suspected murder.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina