Sinimulan na kahapon ng Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng Pantawid Pasada fuel cards sa buong bansa.

AYUDA SA GASOLINA! Ipinakikita kahapon ng empleyado ng Landbank, sa loob ng tanggapan ng Land Transportation Office sa Quezon City, ang Pantawid Pasada Program cash card na ipinamamahagi sa mga jeepney driver bilang fuel subsidy. (ALVIN KASIBAN)

AYUDA SA GASOLINA! Ipinakikita kahapon ng empleyado ng Landbank, sa loob ng tanggapan ng Land Transportation Office sa Quezon City, ang Pantawid Pasada Program cash card na ipinamamahagi sa mga jeepney driver bilang fuel subsidy. (ALVIN KASIBAN)

Sa paglulunsad ng synchronized regional fuel cards distribution kahapon, inumpisahan ng ahensiya ang pamamahagi ng cash cards sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pasada Program sa 15 regional office ng LTFRB sa buong bansa.

Una nang sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na nasa 179,852 ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ng fuel subsidy program ng pamahalaan sa central office at sa mga regional office sa bansa.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Sa nasabing bilang, 1,192 cash card na ang unang ipinamahagi ng LTFRB sa mga lehitimong jeepney franchise holders-beneficiaries sa Metro Manila simula noong Hulyo.

Target ng LTFRB na maipamahagi ang natitirang cash cards hanggang bago magtapos ang Setyembre.

Upang makuha ang fuel cards, kailangang magprisinta ang benepisyaryo ng orihinal at photocopy ng government-issued ID, isang ID picture, at katunayan ng proof of franchise ng operator, kabilang ang Certificate of Public Convenience, o franchise verification.

Nasa LTFRB website rin ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ng subsidy program.

Ang card ay may P5,000 fuel subsidy simula Hulyo hanggang Disyembre, bilang ayuda sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, na epekton ng bagong tax reform law.

Samantala, kinumpirma naman ni Nida Quibic, hepe ng LTFRB Information Systems Management Division, na 22 benepisyaryo ang napaulat na nilabag ang paggamit sa cash card matapos i-withdraw ang pera at ibili ng ibang produkto.

Ang nasabing bilang ng mga lumabag ay blacklisted na sa programa at kanselado na rin ang fuel cards.

-Alexandria Dennise San Juan