PALEMBANG – Sasabak na rin ang beteranong si Joseph Arcilla at Noelle Zoleta para sa pagsisimula ng soft tennis competition ng 18th Asian Games Martes ng hapon sa Jakabaring Sport City courts.

Kapwa nasa ikatlong pagkakatapn sina Arcilla at Zoleta na katawanin ang bansa sa quadrennial meet, target na makausad sa podium sa unang pagkakataon mula nang mapabilang ang sports sa Asiad noong 1994 sa Hiroshima, Japan.

Nakamit ni Arcilla ang silver at dalawang bronze medal, habang dalawang bronze ang nakuha ni Zoleta sa nakalipas na 29th Malaysia Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur.

“Arcilla and Zoleta are our veterans so we are banking on them to do well here,” pahayag ni assistant coach Michael Enriquez. “The rest of our players are newcomers here.”

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala