WALANG duda na kayang-kaya na nina Joshua Garcia at Julia Barretto na magdala ng sariling teleserye, dahil panalo sa ratings game ang Ngayon at Kailanman sa pilot week nito, na nagsimula noong Agosto 20.

joshlia copy

Apat na araw ang panalo ng Ngayon at Kailanman sa katapat nitong programa sa GMA 7 na Onanay simula Lunes sa 31.2% vs 17.3%; Martes, 30.5% vs 18.6%; Miyerkules, 31.1% vs 17.3%; at Huwebes, 30.2% vs 18.9%, base sa survey ng Kantar Media.

Bukod dito, maingay ding pinag-uusapan ang kuwento ng Ngayon at Kailanman dahil magagaling ang mga batang nagsiganap. Oo nga, napansin din naming na bukod sa mahuhusay na ay mga guwapo at maganda pa ang mga child actors sa serye.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sana sa susunod ay mas mahaba ang exposures nina Sophia Reola na gumanap bilang batang Julia, Nezzar Piti-Ilan na batang Jameson Blake, at Andrez del Rosario bilang batang Joshua.

Maganda na hindi kaagad pinagsama sa teleserye ang JoshLia, dahil unang nagbida si Joshua sa The Good Son habang support naman si Julia sa A Love To Last, na pinagbidahan nina Bea Alonzo, Iza Calzado, at Ian Veneracion.Bale ikalawang beses nang nagkatrabaho sina Julia at Iza, dahil sa A Love To Last ay mag-ina ang role nila.

Ang bilis ng pacing ng kuwento ng Ngayon at Kailanman, dahil sa ikatlong araw ay malalaki na sina Joshua at Julia at nagkita na silang dalawa.

Hiyawan ang mga nanonood nang lumabas na si Joshua, dahil ang guwapo nga ng aktor at ang galing magdala ng damit. Mahusay ang stylist niya, huh.

Naaliw kami sa eksena nila ni Karen delos Reyes na pinigilan niyang magpakamatay dahil niloloko ito ng kuya nitong si Jameson.

Nakaka-engganyong subaybayan ang Ngayon at Kailanman dahil maraming layers ang kuwento ng serye ng JoshLia, na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng nangunguna pa ring FPJ’s Ang Probinsiyano.

-REGGEE BONOAN