JAKARTA - Nagtamo ng injury si decathlete Aries Toledo, sapat para hindi na makapagpatuloy sa kanyang laban sa 2018 Asian Games.

Napinsala si Toledo habang nagsasanay sa pole vault sa Gelora Bung Karno Stadium.

“Aries was doing his pole vault jump but he bumped the clearance bar and it landed ahead of him on the foam pit. Unfortunately, his elbow landed perpendicularly on the bar, hyperextending it,” pahayag ni Philippine Sports Commission Head Doctor Randy Molo.

Matapos ang pitong events, nasa ikalima a puwesto si Toledo sa likod ng Thailand, Japan, China, at Qatar.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi man malakas sa pole vault, liyamdo siya sa javelin at 1,500-meter run.

Sumegunda si Toledo sa 100-meter dash, ikaapat sa long jump, ikawalo sa shot put, ikaanim sa high jump, ikatlo sa 400-meters dash, ikaapat sa 110-meter hurdles, at ikapito sa discus throw.

Hawak ng 24-anyos na si Toledo ang gold medal sa naturang event sa 2017 SEA Games. Ang silver medalist sa SEAG na si Thailand’s Suttisak Singkhon ang kasalukuyang nangunguna sa Jakarta.

“He landed on the foam. He didn’t hit his head or suffer from loss of consciousness,” sambit ni Dr. Molo. “He is in stable medical condition, awake, and coherent.”

Nagnegatibi ang X-rays sa kanyang siko, at isasailaim din sa MRI at CTI scan si Toledo