NAKIPAGKITA si Matchroom Boxing promoter Eddie Hearn kay eight division world champion Manny Pacquiao kaya masasabing interesado ang Pinoy boxer na lumagda ng kontrata para lumaban sa kanyang bagong streaming platform na DAZN.

Unang nagsadya sa Pilipinas si Top Rank big boss Bob Arum ngunit wala silang napagkasunduan ni Pacquiao.

Ilulunsad ang streaming platform na DAZN sa buong United States sa susunod na buwan at kumpiyansa si Hearn na makukuha nila ang serbisyo ni Pacquiao.

“It was alright. I mean, I think they are going to be talking to everybody, as I would if I was Manny Pacquiao. DAZN would be very interested in having Manny on the platform,” sabi ni Hearn sa Tha Boxing Voice. “Manny is very interested as well. But again, I’m guessing he’ll talk to everyone, see what the best deal is for Manny Pacquiao and make a decision.”

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Idiniin ni Hearn na seryoso si Pacquiao na lumagda sa DAZN at hinihintay na almang nila ang pasiya ng Pilipino.

“The talks are serious but I have no idea which way it’s going to go,” dagdag ni Hearn na promoter din ni dating British world champion Amir Khan.“I think DAZN is a good option for Manny Pacquiao right now. In terms of rights fees, they can pay more than anyone else.”

Para kay Khan, masaya siyang makaharap sa ibabaw ng ring ang dati niyang sparring partner sa Wildcard Gym ni Hall of Famer Freddie Roach.

“Manny is a very smart businessman as well. He’s made a lot of money in the game. If he thinks and feels that is the best kind of move it’s a great business move to make that kind of money (moving to DAZN) then I think he will,” dagdag ni Khan. “Listen, I think it is a great business move (moving to DAZN). Eddie (Hearn) is making big moves in boxing so it could be the new big move, yeah.”

-Gilbert Espeña