Nanawagan ng pagsisiyasat ng Senado si Senator Nancy Binay hinggil sa P1.3-bilyon cash grant sa ilalim ng conditional cash transfer program, na naiulat na hindi umano natanggap ng mahihirap na benepisyaryo.

Tinutukoy ni Binay ang ulat na nadiskubre ng Commission on Audit (CoA) na P1.3-bilyon cash grants sa ilalim ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program para sa nasa dalawang milyong benepisyaryo, ang nawalan ng saysay noong 2017.

“A Senate inquiry on the matter is necessary in order to ensure that public funds allocated for alleviating poverty is effectively distributed to the poorest of the poor for the purpose of addressing their immediate needs,” saad ni Binay sa paghahain ng Senate Resolution No. 844.

Kasabay ng pagbanggit sa 2017 Annual Audit Report ng CoA sa DSWD, ipinunto ng senadora na 1,889,994 na individual beneficiary account ang nakapagtala ngbalanseng P501 hanggang sa mahigit P50,000 na hindi nailabas mula 30 hanggang sa mahigit 2,190 araw simula ng pay-out.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ayon sa CoA, nangangahulugan ito na ang mga benepisyaryong hindi nakakuha ng cash grant ay hindi lubusang kailangan ng subsidiya.

“COA recommended… that the funds used in the cash grants be rightfully returned to the coffers of the government,” giit ni Binay.

-HANNAH L. TORREGOZA