WATERBURY, Conn. (AP) - Isang lalaki na nanloob sa isang simbahan sa Connecticut at nagnakaw ng aabot sa $3,000 halaga ng electronics ang ‘tila nagsisisi sa kanyang nagawa dahil nag-iwan pa siya ng sulat na humihingi ng tawad.

Inilabas ng mga pulis ang video ng lalaki na nanloob sa Mount Olive AME Zion Church sa Waterbury, na nagnakaw ng mga camera, monitor at microphone na ginagamit sa pagmimisa.

Ayon sa mga tauhan ng simbahan, nag-iwan pa ang lalaki ng sulat na nagsasabing, “Pray 4 Me!! Sorry brothers. Save me,” na may karugtong na sad face.

Sinabi ng miyembro ng simbahan na si Craig Smith na pinagtuunan ng simbahan ang liham at ipinagdasal ang suspek.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Samantala, nanawagan naman ang mga awtoridad sa mga nakakakilala sa suspek na isuplong ito sa kanila.