SA totoo lang, malaki ang improvement ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Edward Barber kung ang pag-acting at pagsasalita ng Tagalog ang pag-uusapan. Kapansin-pansin ang bilis ng kanyang pagkatuto sa mga eksena nito sa Wansapanataym: Ikaw ang GHOSTO Ko, na napapanood tuwing Linggo sa Kapamilya.

Binisita ng Rated K sa set ng Wansapanataym series ang love team na sina Maymay Entrata at Edward, kung saan gumaganap na isang multo si Edward.

Naikuwento ng dalawa kay Ms. Korina Sanchez-Roxas kung paano nakatulong ang experience na ito para mapagbuti nila ang kanilang pag-arte. Papuri naman ang natanggap ng love team mula sa kanilang direktor na si Jerry Lopez-Sineneng. “Ang sarap sarap katrabaho nung dalawa,” sabi ni Direk Jerry sa dalawa.

“You know what’s really good about them is ‘yung passion talaga, sobrang mag-aral ‘yung dalawa ng scenes, ng dialogues, ng roles nila,” sey pa niya.

Tsika at Intriga

Cat Arambulo trending sa X dahil sa baha, insensitive nga ba?

Isa sa mga most promising love teams ang MayWard ngayon at halatang masaya silang natututo kina Direk Jerry at sa supporting cast ng Wansapanataym serye.

“Itong Wansapanataym, ito talaga ang naging training ground namin, ang dami kong natutunan, ang dami kong na-improve sa sarili ko,” sabi ni Maymay.

Agree dito si Edward, at sinabing, “Nag-improve ang acting skills namin dahil sa experiences dito.”

-Ador V. Saluta