Pinasok ng tatlong umano’y miyembro ng Akyat-Bahay gang ang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) Central Office sa East Avenue, Diliman, Quezon City, kahapon.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang 8:00 ng umaga kahapon nang madiskubre ng mga empleyado ang panloloob sa opisina ng Law Enforcement Traffic Adjudication Service ng LTO.

Ayon kay Law Enforcement director at LTO Spokesperson Francis Almora, hinalungkat ng mga kawatan ang mga drawer sa mga opisina ng Law Enforcement Service, gaya ng Data Control Unit, Custodial Unit, at Investigation Section of the Intelligence and Investigation Division.

Gayunman, wala naman umanong nawawalang mahalagang dokumento sa mga nasabing tanggapan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Initial assessment shows that there are no government property (sic) missing. The files are not touched except the drawers of the tables of employees. The offices are not involved in plate making or drivers license. Only personal belongings can be lost. All sensitive documents are secured,” ani Almora.

Inimbitahan na ng pulisya ang tatlong construction workers sa ginagawang gusali malapit sa tanggapan ng LTO para sa kaukulang imbestigasyon.

-Jun Fabon