JAKARTA— Naibawi ni Olympian Rogen Ladon ang boxing team sa dusa nang gibain si Chaudahry Prem ng Nepal, 5-0, sa preliminary ng flyweight bout ng boxing competitions ng 18th Asian Games sa Jakarta Expo Boxing Hall.

Tula dng inaasahan, nadomina ni Ladon ang karibal na kulang pa sa karanasan sa international competition para mabigyan ng kasiyahan ang koponan matapos masadlak sa tatlong sunod na kabiguan.

Nabigo naman si James Pelicte kay Uzbek Abdurasulov Shunkor, 5-0, sa men’s lightweight bout.

Naungusan si Palicte, silver medalist sa Thailand Open, nang agresibong si Shunkor, bronze medalist sa 2016 World Youth Championships sa St. Petersburg, Russia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Target naman ni Irish Magno na masundan ang tagumpay ni Ladon sa pakikipagtuos kay Asian championships silver medalist Pang Chol Mi ng Vietnam sa women’s flyweight clash.

Sasalang naman sina Eumir Felix Marcial at Carlo Paalam Lunes ng gabi.

Nauna nang nasibak ang tatlong pambato ng Pinoy sa unang dalawang araw ng aksiyon sa boxing.

Nitong Biyernes, natalo si Joel Bacho, 3-2, kay Poshtiri Sajad Kazemzadeh ng Iran, kasunod si Nesthy Peteciosa controversial 3-2 desisyon sa women’s featherweight kontra China’s Yin Jun Hua.

Natamo naman ni bantamweight Mario Fernandez ang masakit na knocked out kontra Iraq’s Jaafar Abdulridha Ali Al Sudani nitong Sabado