ANG smash hit ni Drake na In My Feelings ang pinangalanang official Song of the Summer ng Spotify, ayon sa Cover Media report.

Drake copy

Umani ang rap superstar ng mahigit 393 milyon streams mula Hunyo 1 hanggang Agosto 20 para manguna sa parehong U.S. at sa global lists, ginatungan ng popularidad ng viral dance challenge ng kanta, na nilikha ng Instagram personality at comedian na si Shoker, aka Shiggy.

Tinalo ni Drake ang double charge mula kay Cardi B, na inokupa ang second at third place sa worldwide poll dahil sa kanyang Maroon 5 collaboration na Girls Like You, na nagkaroon ng 293 milyong streams, at ang kanyang I Like It hit kasama sina J Balvin at Bad Bunny, na umani ng mahigit 289 milyon plays.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang Lucid Dreams ni Juice WRLD at Sad! ng tragic rapper na si XXXTentacion ang kumumpleto sa global top five, habang ang iba pang popular summer tracks ay kinabibilangan ng Better Now ni Post Malone, One Kiss nina Calvin Harris at Dua Lipa, Solo mula sa Clean Bandit at Demi Lovato, at No Tears Left to Cry ni Ariana Grande.

Samantala, sa U.S. countdown, ang Lucid Dreams at Sad! ang tumuntong sa pangalawa at pangatlo, ayon sa pagkakasunod, bago ang I Like It ni Cardi B sa pang-apat. Ang Nice For What ni Drake ang kumumpleto sa top five ng bansa, habang mayroon pa siyang anim na ibang kanta listahan ng Spotify, kabilang ang God’s Plan at I’m Upset.

Si XXXTentacion, binaril at napatau noong Hunyo sa edad na 20, ay isa pang top pick for fans, na pinaparangalan ang kanyang alaala sa pamamagitan rin ng pakikinig sa kanyang mga awiting Moonlight, Changes, at Jocelyn Flores, na pawang nakapasok sa summer top 20.