INI-REPORT ng Entreprenuer.com.ph ang umano’y pagbagsak ng income ng GMA Network at ng ABS-CBN nitong first half of 2018 dahil daw mahina ang pasok ng advertisements sa mga programa ng dalawang network.

Ayon sa report, ang mas nag-suffer ay ang ABS-CBN Corp. na bumagsak ng 41% ang net income from P1.3 billion sa first half ng 2017 sa Php 741 million sa kaparehas na panahon ngayong taon. Ang rason ay dahil sa digital online na raw nagpapasok ng ads ang mga advertisers dahil ito ang gusto ng mga millennial.

Pero ang GMA Network, bumaba lamang sa 21% ang income mula P1.6 billion sa P1.2 billion.

Pinabulaanan naman ni Atty. Felipe L. Gozon, Chairman at CEO ng GMA Network ang report.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“In spite of challenging market conditions, GMA Network was still able to reach the one billion peso mark in terms of income for the first half of 2018. We look forward to seeing the year with better results for our company.”

Napabalita na sinubukan daw ng malalaking advertisers na mag-place ng ads sa online/digital shows pero hindi raw pala effective kaya bumalik sila sa traditional media.

Dahil dito ay nag-post ang GMA Network sa kanilang Kapuso Electronic Magazine na kumita sila ng P1.232 billion sa first half ng 2018.

Ayon pa sa report, “despite of an industry-wide reduction in advertising placements, GMA’s consolidated airtime revenues for the first half of 2018 still ended at Php 6.394 billion, which translate to a single digit slide of 7 percent versus last year.

“Meanwhile, the Network’s other revenue sources tipped at P855.9 million or 3 percent higher than last year.

“Further, GMA maintained its nationwide TV ratings dominance in the first half of 2018 with an average people audience share of 41.2 percent on NUTAM, ahead of ABS-CBN’s 38.5 percent based on data from Nielsen TV Audience Measurement.”

-Nora V. Calderon