JAKARTA – Nabuhayan ang pag-asa ng Philippine athletics team para sa minimithing ginton medalya sa 18th Asian Games nang makausad sa finals ng 400m hurdles si Fil-Am Eric Shawn Cray.

TARGET ni Eric Shawn Cray ang gintong medalya sa 400m hurdles sa 18th Asian Games. (PSC PHOTO)

TARGET ni Eric Shawn Cray ang gintong medalya sa 400m hurdles sa 18th Asian Games. (PSC PHOTO)

Tumapos si Cray sa pangatlong puwesto sa semifinal round Linggo ng gabi sa Gelora Bung Karno Stadium.

Naitala ni Cray ang bilis na 50.54 segundo sa likod nina Samba Abderrahman ng Qatar (49.34) at Dharun Attasamy ng India.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Lalarga ang finals Lunes ng gabi kung saan kabilang sa mga karibakl ni Cray sina Abe Takatoshi ng Japan 49.71, Kazakhstan’s Dmitriy Koblov (50.58), Korea’s Han Sehyun (50.69), Taipei’s Chen Chieh (50.30) at India’s Santosh Kumar (50.46).

Tangan ng two-time 400m hurdles champion sa SEA Games (Myanmar and Singapore) at gold medalist sa 2017 Asian Athletics Championships, ang personal best na 48.98.