Nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell at Chevron, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Shell at Chevron, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Agosto 28, ay nagtaas ang mga ito ng 60 sentimos sa kada litro ng diesel, 45 sentimos sa kerosene, at 10 sentimos naman sa gasolina.

Sinundan ito ng Phoenix Petroleum at PTT Philippines ang sa parehong dagdag-presyo sa kanilang gasolina at diesel.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na oil price hike, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Guanzon, binalikan dating pahayag ni Willie hinggil sa politika: ‘Igiling-giling talaga!’

Nitong Agosto 21, tumaas ng 30 sentimos ang gasolina kasabay ng 20 sentimos na bawas-presyo sa kerosene.

-Bella Gamotea