Pangungunahan ni Fil-Am Eric Shawn Cray ang kampanya ng athletics team sa 18th Asian Games, taglay ang kumpiyansa na makapag-aambag ng medalya sa Team Philippines.
Ayon kay Patafa president Philip Juico, sigurado ang posium finish kay Cray kung matutularan nito ang nagawang perfornace sa 400m hurdles sa Rio de Janeiro 2016 Olympics.
Napaaaga sa orihinal na iskedyul, sasabak si Cray sa qualifying round ng 400m hurdles, kasabay ang dalangin na maging bahagi ng tagumpay ng Teaam Philippines.
Naitala ng 29-anyos na si Cray ang 49.37 segundo sa semifinals ng 2016 Rio Olympics. Ang defending champion sa naturang event ay si Ali Khamis ng Bahrain sa tyempong 49.71.
Ayon kay Juico, nasa kondisyon si Cray na nagwagi ng silvre medal sa 60m run sa 2017 Asian Indoor and Martial Arts.
“If everything goes right, many of our athletes can spring some surprises,” sambit ni Juico.
Sa Incheon Asiad, naitala ni Cray ang 51.47 segundo at tangani niya ang personal vest na 49.07 sa 2016 World Challenge sa Japan.
Huling nagwagi ng medalya – bronze – ang Pinoy athletics nooong 1994 Asiad sa Hiroshima mula kay long jumper Elma Muros-Posadas.
Naka-schedule ang newcomer na si Kristina Knott sa 100M heats kalaunan