Pangungunahan ni National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino ang pagkain ng mga binukbok na bigas na isinailalim sa fumigation at quarantine.

Sinabi ni NFA Spokesman Rex Estoperez na ito ay para patunayan sa publiko na ligtas pa ring kainin ang NFA rice na binukbok, o naapektuhan ng peste.

Sa ngayon, aabutin pa ng pito hanggang 12 araw ang pagsasailalim sa fumigation sa binukbok na saku-sako ng NFA rice.

Matatandaang aabot sa 177,000 sako ng NFA rice ang binukbok sa Albay, habang 133,000 sako ng NFA rice naman ang binukbok din sa pagkakaimbak sa Subic, Zambales.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-Beth Camia