IBINUNYAG ng celebrity siblings na sina Alex at Toni Gonzaga ang iba’t ibang papel na ginampanan nila sa buhay ng isa’t isa sa kanilang bagong librong Sissums: the 18 Rules of Sisterhood, na inilathala sa ilalim ng ABS-CBN Publishing.

Dito ay ikinuwento ng dalawa na nagsilbing role model, critic, at bully kay Alex ang kanyang ate habang naging abogado at cheerleader naman ni Toni ang nakababatang kapatid.

“Na-realize namin na may iba’t ibang roles kaming nagampanan sa buhay ng isa’t isa sa iba’t ibang phase ng buhay naming dalawa, at ibinahagi namin ‘yung mga ‘yun sa librong ito. Positive or negative man, ‘yung mga roles na ‘yun eh nakatulong sa aming mag-grow individually and as sisters,” kuwento ng Sissums co-authors na hindi makapaniwalang #sistergoals ang tingin sa kanila ng marami.

Ibinahagi nila sa Sissums kung paanong naging “Inang Yaya” ni Alex si Toni noong sila ay mga bata pa, habang busy ang kanilang mga magulang sa trabaho. Kasama rin si kuwento ang papel ni Toni bilang role model at critic, pati na rin ang pambubully nito kay Alex, kaya nasubukan nitong

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

maglayas sa edad na limang taon.

Samantala, ibinahagi naman ni Toni kung paanong nagsilbi bilang abogado, PR manager, cheerleader, at travel companion niya si Alex, habang itinuturing nilang partner in crime ang isa’t isa. Ngayon, nagsisilbi namang TiNang (tita-ninang) si Alex sa anak ni Toni na si Seve.

Isiniwalat rin ng dalawa sa librong Sissums ang mga patakaran nila sa bahay, sa trabaho, at sa personal na buhay. Kabilang dito ang suhestiyon na dapat “roommates by default” ang magkakapatid. Ibinahagi rin nila ang kahalagan ng katapatan at respeto sa kanilang pagkakaiba at ang pag-iwas sa pagkumpara sa kani-kanilang tagumpay.

Tampok rin sa libro ang ilang mga eksklusibong litrato at makukulay na komiks na nagpapakita ng mga nakakatawang pinagdaanan ng dalawa. May ilang personal quizzes at mini-scrapbook din na tiyak na kagigiliwan ng magkapatid na magbabasa nito.

Ang Sissums ang unang pagsabak ni Toni sa publishing habang ito naman ang ikatlong proyekto ni Alex, kasunod ng kanyang best-selling books na Dear Alex, Break na kami. Paano? Love, Catherine at Dear Alex, We’re Dating. Tama ba o Mali? Love, Catherine.

Tuklasin ang mga sekreto sa matibay na buhay-magkapatid nina Alex at Toni sa Sissums book, na mabibili sa leading bookstores nationwide sa halagang P225.