NANLUMO si Anne Curtis nang i-tag siya ng ilang netizen sa post na naka-post at mapapanood sa social media ang kabuuan ng pelikulang Buy Bust na siya mismo ang bida.

Anne

Post niya sa kanyang Twitter account na may 10.5M followers, “Kaloka! Ung mga ginagawa ito. Sana ma-realize nyo we worked on this film for 2 years. Tapos ganun lang?”

Tinag si Anne ni @mckinleynocon, “I’m randomly checking facebook and saw this. Might as well have your team check the pages and the names, I reported it already as well. #NoToFilmPiracy.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ipinalabas ang Buy Bust sa mga sinehan nitong Agosto 1 at sa loob ng dalawang beses na pagpapalabas nito ay hindi umabot sa P100M ang kita, kaya walang ini-release na figures ang Viva Films kung magkano na.

Pero nang ibalik sa mga sinehan ang Buy Bust due to insistent public demand daw pagkatapos ng 2018 Cinemalaya at 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, ay saka lang umano umabot sa P100M ang kita ng pelikula. Saksi kami na marami pa ring nanonood kaya posibleng lumagpas na ang tabo nito sa isandaang milyon.

Kaya naman panay ang pagpu-promote ng halos lahat ng cast at staff sa Buy Bust dahil huling linggo na nila ngayon.

Anyway, matatawag na ring blockbuster ang Buy Bust dahil lumampas na sa P100M ang kinita nito, na basehan ngayon para masabing kumita ang isang pelikula at higit sa lahat, tiyak na nakabawi na rin ang Viva Films sa napakalaking gastos nila dahil nabili na ito ng Netflix, bukod pa sa naipalabas na rin ito sa iba’t ibang bansa.

Malalamang malakas at kumita talaga ang isang pelikula kapag naglabas ng figures ang movie outfit o promo department ng kinita ng pelikula sa loob lamang ng isang araw, tulad ng Miss Granny ni Sarah Geronimo na lumagpas daw ng P10M sa unang araw ng showing.

Kaya kapag walang figures na inilabas sa unang araw ang isang pelikula, alam n’yo na, mahina ito o flopsina.

-REGGEE BONOAN