Nakauwi na kahapon ang 117 overseas Filipino worker (OFW) na nag-avail ng amnesty program ng United Arab Emirates (UAE) para sa mga undocumented foreign nationals.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa ganap na 9:25 ng umaga ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang Philippine Airlines flight PR 659, na sinakyan ng grupo ng OFW mula sa Dubai, na unang naka-schedule na dumating bandang 8:45 ng umaga, kahapon.

Ang nasabing bilang ng Pinoy workers ay ikalawang batch ng mga nag-avail ng pinalawig na amnesty program ng UAE.

Nabatid na inayudahan sila ng mga tauhan ng Migrant Workers Affairs ng DFA at ng Konsulado ng Pilipinas sa Dubai para mabigyan ng agarang repatriation.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Bella Gamotea