PAGKARAAN n g matagal-tagal ding pakikipaglaban sa cancer, pumanaw na ang ina ng Kapamilya singer-actor na si Marlo Mortel.

Merlie at Marlo

Ayon sa text message na ipinadala ni Marlo kay Thess Gubi ng Star Magi c, binawian ng buhay ang ina ng aktor, si Merlie Pamintuan, ganap na 8:00 ng umaga nitong Biyernes, August 24. Siya ay 49 years old.

“Namatay na mainly because of cancer but more on madami na masyadong complications,” kuwento ni Marlo. “May pumutok na blood vessel sa may lungs nung Tuesday, na nag-cause ng internal bleeding kaya dun na siya nagsimulang maging critical.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver, proud kay Julie Anne matapos manalo sa Aliw Awards

“Nawala na siya, pero kinausap ko siya nang kinausap kaya nagising pa siya after few hours. Ta’s nag-stay pa siya ng two days hanggang sa ‘di na kinaya. Sobrang naging manas siya ta’s tumigil na heart (beat) niya.”

Naging madamdamin naman ang kanyang Instagram post kahapon para sa yumaong ina, kalakip ang litrato nilang dalawa.

“Mommy, I can’t believe this is happening. I’m in so much pain. I don’t want to, but I have to let you go. All you ever did was love me and take care of me. I’m sorry for all my shortcomings but thank you for fighting, until your last breath you waited for me.”

Inilahad din ni Marlo na halos bumigay na ang kanyang pinakamamahal na ina, subalit lumalaban ito kapag kinakausap niya.

“You were a lmo s t g o n e the other night but when I kept on talking to you, you responded and was able to stay with us for two more days. We were able to say our goodbyes.

“But this isn’t goodbye, I know you’re watching over us now. Kahit mahirap, kakayanin namin to ni Daddy. Sobrang hirap ng pinagdaanan mo and you may rest now.

“My l o v e for you is never ending. Si Jesus na ang bahala sa ‘yo at sa amin ni Daddy. MAHAL NA MAHAL KITA.”

Kamakalawa ay nag-post sa social media si Marlo at nakiusap na ipagdasal ang kanyang ina dahil sa kritikal na lagay nito.

Taong 2015 nang ibunyag ni Marlo ang pakikipaglaban ng kanyang ina sa cancer.

-Ador V. Saluta