Pinaalalahanan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang hindi maipit sa matinding trapiko kaugnay ng road reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Sa abiso ng MMDA, dakong 11:00 ng gabi nitong Biyernes nang sinimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa southbound EDSA, harapan ng Francesca Tower hanggang at pagkatapos ng Scout Borromeo (3rd lane); sa EDSA bago ang P. Tuazon (1st lane); sa C-5 Road southbound pagkatapos ng intersection ng Green Meadows-C5 Road; at sa C5 Road southbound pagkatapos ng Lanuza Avenue.

Bukod pa rito ang pagsasaaayos sa northbound EDSA bago mag-North Avenue (6th lane); A.H. Lacson Avenue, panulukan ng Aragon at P. Florentino; Batasan Road bago ang Payatas Road (2nd lane); at Katipunan Avenue, sa pagitan ng Capitol Hills Drive Ayala Heights Village (1st lane).

Bubuksan sa mga motorista ang mga nasabing kalsada dakong 5:00 ng umaga sa Lunes, Agosto 27.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

-Bella Gamotea