GOODBYE na sa pa-tweetums at goody-goody roles ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nag-level up na into mature roles ang KathNiel.
Makikita ito sa pelikulang The Hows of Us, na sa two-minute trailer ay makikita ang karakter nila bilang George (Kathryn) at Primo (Daniel) while talking about their future plans, such as building their own house.
But along the way, sinubok ng panahon ang mga karakter nila sa pelikula; nagkaroon ng mga problema sa buhay na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.
Sa nasabi ring trailer, Kathryn has some scenes where she exposed more skin because of her outfits. One such scene was shot in a house where Kathryn’s character was wearing short shorts.
Naitanong ito kay Kathryn sa media launch of The Hows of Us held at ABS-CBN’s 9501 restaurant.
“That’s why I take my time, like when they offer me projects, iniisip ko kung, ‘Okay, tama ba ito?’ ‘Pag masyadong sinagad ‘yung maturity, ‘pag masobrahan ka of anything, delikado, kasi saan ka pa pupunta ‘pag na-reach mo na ‘yung pinaka-mature?
“So every time may mga ino-offer or may gagawin, parati lang iniisip kung makakatulong or masasabayan ba ako ng mga fans ‘pag ginawa ko ‘yun.
“Pero with regards with the clothing, siguro ayaw mo din kasi na parating maging safe. Parang once in a while, ‘yung mas sexy na damit pero it doesn’t mean na all-out ka.
“Pero siguro okay lang na once in a while, mag-try ka ng new outfits or gagawa ng ganyan pero balanced pa rin,” paliwanag ni Kathryn.
May inamin naman si Direk Cathy Garcia-Molina: “Si Mommy Min (mommy ni Kathryn) nga po inaaway na ako! [Sabi niya] ‘Direk, ano na namang pinagawa mo? Direk, ano na naman pinasuot mo?’ Sabi ko, relax, mommy!”
Daniel then said about Kathryn: “I don’t think naman it’s shedding, hindi naman nawala ‘yung wholesomeness. I think it’s just the growth. Tumatanda na rin si Kathryn. And pangalawa, hindi naman bastusin tingnan. Bago maging bastusin, nasabihan ko na. Wala namang maselan tingnan, it’s normal.”
“At saka baka hindi niya ako payagan,” singit ni Kathryn, tinukoy ang boyfriend na si Daniel.
Nag-mature na nga sina Kathryn at Daniel, gaya ng kanilang roles sa The Hows of Us na mas mature than previous characters they portrayed in their past projects.
The KathNiel love team believes that it’s about time to take on these kinds of roles, especially with their age.
Daniel is 23 years old, while Kathryn just turned 22 last March.
“Every time na may ginagawa kaming pelikula, there’s always the question na how mature is this movie? Lagi naman din nilang tinatanong kung gaano ka-mature,” ani Daniel. “Well, hindi naman talaga siya matured na pangmatanda, I think kagaya ng Barcelona, I think tama lang ‘yun sa edad namin.
“At saka sa panahon, kasi ako nasa bente tres na rin ako. So, naghahanap rin kami siguro ng may laman na, may laman ‘yung content na credible ‘yung proyekto mo.
“I think, dahil may mga serye na rin kami, meron nang... okay na rin kami doon sa platform na mas light. So, pagdating sa pelikula, gusto namin na it’s worth watching. Matanda, bata, may laman ‘yung pinapanood.”“Siguro ‘yun din ‘yung parang hinihingi sa amin every time they do interviews, parati, itatanong sa amin, ‘anong ikina-mature n’yo dito compared sa iba?’ So parang kami, may feeling kami na yung mga tao especially mga ka-age namin, ang bilis. Ang bilis lahat,” dagdag ni Kathryn.
“Mas nakaka-relate sila kapag ganito and parang ‘yun ‘yung hinihingi nila from us, ine-expect nila from us,” anang dalaga. “So, minsan inaano nila na, ‘okay, anong next after ng rom-com?’ They always ask us na ano pa nga ba ‘yung next namin ibibigay. So consciously, nagiging ano kami na dapat talaga, mas mature, pero not in a way na hindi na age appropriate sa amin.”
“Parang hindi naman siya pinipilit maging mature. ‘Yung maturity naman is in terms of decision-making, sa relationship. Ganun naman siya. Hindi naman ‘yung parang pinipilit naming tumanda,” paliwanag pa ni Daniel. “So saktong-sakto lang sa edad namin, sa pinagdadaanan na rin namin sa personal naming buhay.”
-Ador V. Saluta