Hinimok ni Senator Leila de Lima ang pamahalaan na ipatigil ang mga proyektong may pondo ng China, upang makaiwas ang Pilipinas sa pagkabaon sa utang sa nasabing makapangyarihang bansa.

Aniya, dapat gayahin ng Pilipinas ang Malaysia na itinigil ang pangungutang sa China dahil mauuwi lamang ito sa pagka-bangkarote.

“The Philippine government must take its cue from Prime Minister Mahathir (Mohammad) who decided to cancel three China-backed projects amounting to $22 billion to avoid his country from falling into a debt trap. We need to take heed before it’s too late,” ani de Lima.

Aniya, anumang utang na nakuha nang hindi dumaan sa competitive procurement ay maglalagay lang sa Pilipinas sa direktang pag-utang na makaaapekto naman sa ating ekonomiya, soberanya, at pambansang seguridad.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Leonel M. Abasola