Sa ngayon, nasa kabuuang P2.8 milyong cash assistance ang naipagkaloob sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado sa pansamantalang pagsasara ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa pahayag ng foreign affairs office, nitong Biyernes.

Nitong Huwebes lamang, nasa 381 manggagawa ang nakatanggap ng cash assistance, dahilan para umabot sa kabuuang 559 ang OFW beneficiaries simula Miyerkules.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang mga kukuha ng cash assistance sa NAIA terminals ay mayroon na lamang hanggang 10:00 ng gabi ngayon.

Ang mga stranded na OFWs na nasa Maynila ay mayroong hanggang Agosto 31, 2018, upang kunin ang kanilang P5,000 cash assistance sa Office of Migrant Workers Affairs ng DFA.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, ang mga nakaalis na ay maaaring kunin ang kanilang cash assistance Philippine Embassy o Consulate General hanggang Setyembre 30, 2018.

Kaugnay nito, tuloy na ang pagdinig ng mataas na kapulungan hinggil sa aberyang nangyari sa NAIA.

Nagpalabas na ng imbitasyon ang Senate Committee on Public Services, na pinamunuan ni Senator Grace Poe, at itinakda na ito sa darating na Miyerkules.

Kabilang sa mga inimbitahan sa pagdinig ay sina Department of Transportation ( DOTr) Secretary Arthur Tugade, Manila International Airport Authority General Manager Eddie Monreal, Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Jim Sydiongco, Civil Aeronautics Board Executive Director Carmelo Arcilla, Clark International Airport Corp. President and Chief Executive Officer Alexander Cauguiran, Philippine Overseas Employment Administration Chief Bernard Olalia, at Philippine Amusement and Gaming Corp. Chairperson and Chief Executive Officer Andrea Domingo.

Sa panig naman ng pribadong sektor ipinatawag ng Senado si PAL Holdings Inc. President and Chief Operating Officer Jaime Bautista, CebGo Inc. President and Chief Executive Officer Alexander Lao, Air Asia Philippines Chairperson Marianne Hontiveros, Xiamen Airlines at iba pa.

-ROY C. MABASA at LEONEL M. ABASOLA