MULING haharanahin ng balladeer na si Marco Sison ang Pinoy community sa Los Angeles, California, USA sa September 29, 2018, 7:00 pm, sa Levo Entertainment Center sa 2070 Floyd Street, Burbank, California, 91504.

Ang nasabing concert ay produced ng Pinay businesswoman na si Ms. Ami Almerol, of L.A. Car Repair Specialist, Inc.

Simply Marco 7 ang title ng concert, dahil for seven consecutive years ay pinasasaya niya ang ating mga kababayan sa nasabing bansa ni Uncle Sam, sa pamamagitan ng walang kupas niyang good singing voice, na nasimulang hinangaan dito sa ‘Pinas nung dekada 70.

Kabilang sa mga pinasikat ni Marco ang My Love Will See You Through, Make Believe, at Si Aida, o si Lorna, o si Fe.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Noon pa man ay tagahanga na ni Marco ang Pinay businesswoman na si Ms. Ami, na matalik na kaibigan ni Senator Manny Pacquiao at ng composer na si Lito Camo.

“I met Marco in 1991 sa Reflections Award where I got Reflections Award, too. I met him again in 2009. Then naging close friend ko na siya since then.

“I produced his CD in 2011, entitled Hindi Ko Akalain, na nagkataong naging super busy siya kaya ‘di na promote ang mga songs that were composed by late Bodjie Dasig, husband of Odette Quesada.

“From then on, Marco became one of my good friends. Ang mga katagiang nagustuhan ko kay Marco ay ‘yung pagiging real person niya as a friend, and I really like his good singing voice,” mahabang info ni Ms. Ami kay Yours Truly.

Naging successful ba naman ang lahat ng produced niyang concert ni Marco sa Los Angeles, at hindi ba naman mataas maningil ng TF ang kilalang Pinoy balladeer?

“Yes, lahat SRO. Last year I have to buy extra chairs,” sabi ni Ms Ami. “Always successful. Hindi mahirap ibenta ang tickets, kasi madami siyang fans dito (Los Angeles). I don’t have to explain who he is.

“Kaya dito sa LA siya na lang pino-produce ko. At fair naman ang TF niya. Kaya since the year 2010, siya na lang lagi ang kinukuha ko para mag-concert sa mga kapwa natin Pinoy dito sa LA,” dagdag ni Ms. Ami.

K, fine! Kami man, nung kasabayan namin si Marco Sison in the 70’s ay madalas namin siyang panoorin sa El Bodegon sa may Ermita, na ang owner, kung hindi kami nagkakamali, ay isa sa mga tiyuhin ni Tirso Cruz III.

Naging fan din kami ng isang Marco Sison, sa true lang, in pernes!

Wish lang namin, Ms. Ami, ay mag-produce ka rin dito ng concert ni Marco with fiery diva Malu Barry on the side.

Nung bagong salta dito sa Manila si Malu from Davao—and that was in the early 80’s—si Marco ang kasama niya nang dinala siya sa bachelor’s pad ni Yours Truly ng ilang fans. At feeling ni Yours Truly at that time ay may something beautiful going on between Marco and Malu. Bigla daw, throwback memories, oh! ‘Yun na. Ha, ha, ha!

-MERCY LEJARDE