ISA pala sa producers ng Goyo: Ang Batang Heneral ang bida nitong si Paulo Avelino. Limitado nga lang magkuwento ang aktor tungkol sa ginastos niya sa pelikula, na mapapanood na sa Setyembre 5, sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

Paulo Avelino copy

“I produced films on the side eversince,” sabi ni Paulo.

Habang sinu-shoot kasi ang Goyo ay may nagkuwento sa aming kaibigan ni Paulo na sumasakit daw ang ulo ng aktor dahil sa sobrang laki ng gastos sa pelikula niya. Sabi pa ay lifetime savings na ng aktor ang naitaya niya sa pelikula.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Hindi naman lifetime savings, sapat lang. A big chunk of the film actually came from our major producers (TBA Studios),” sagot ni Pau.

Hindi sinagot ni Paulo kung isinosyo niya ang talent fee niya sa Goyo.

In-offer ba ng aktor na isa siya sa producers ng pelikula, o inalok siya ng TBA?“Well may ginawa na rin akong isa sa kanila, ‘yung I’m Drunk I Love You, co-produce ako. So it’s a kind of partnership also.”

Bago umalis si Pau ay kinulit ulit namin kung totoong malaking halaga ang naibigay niya sa Goyo. Napangiti lang siya sa amin, sabay tapik sa braso, at nakangiting bumulong. Hindi lang namin naintindihan ang ibinulong niya dahil maingay sa Novotel Hotel, kung saan ginawa ang grand presscon.

Baka kaya nabanggit ni Paulo na plano niyang magretiro sa showbiz dahil gusto muna niyang ipahinga ang isip at katawan niya sa malaking hirap na inabot sa shooting ng Goyo, na umabot ng 60 days. Bukod pa roon ang pre-prod at post-prod, na ayon sa mga taga-TBA Studios ay inabot ng halos isang taon ang paggawa sa pelikula.

Pero nang makapanayam na ng ilang entertainment press si Paulo ay klinaro niyang break lang ang gagawin niya.

“Not naman retire, it’s like a break. I’ve been doing this for 10 years, so I think pahinga naman. Siguro bakasyon nang kaunti. Slow down muna tayo, I will still be active. I will be doing stuff,” paglilinaw ng aktor.

Oo nga, dahil parte pa rin si Pau ng teleseryeng The General’s Daughter ni Angel Locsin, kaya hindi puwedeng totally ay mawala siya sa showbiz.

Naikumpara tuloy si Paulo kay John Lloyd Cruz, na mag-iisang taon nang nakabakasyon sa showbiz.

“Hindi naman. I always want to try new things and test things. Break lang. Hindi naman ako mawawala. Parang mas gusto ko lang na mas relaxed. Ayaw ko lang nang naghahabol-habol sa schedule ko, kasi [kapag] magsabay, lagare. Gusto ko mag-relax lang,” paliwanag ni Goyo.

“Mas slower pace lang. Importante sa atin ‘yung work, life ay balanced. I think ‘yun ang kulang ko. Work, work lang sa akin.”

Sana mapanood ng millennials ang Goyo: Ang Batang Heneral para magkaroon sila ng ideya kung anong nangyari sa Pilipinas sa panahon ng Amerikano, at para matutuhang mas mahalin ang sariling bayan.

“I love the country ever since and after researching and reading so many stuff, actually this type of film encourage me and sparks something in me to research more and find more about our history especially during the time of Americans came here. That our history is not really (discussed) to the younger generations. It’s just made me more curious and gave me more love and more hope for our country.

“I hope Goyo could get the younger audience to watch this movie for them to ignite and sparks in them to have more love and hope for this country,” paliwanag ni Paulo.

Anyway, mapapanood na ang Goyo: Ang Batang Heneral sa Setyembre 5, handog ng TBA Studios at Globe Studios.

Bukod kay Paulo, kasama rin sa pelikula sina Carlo Aquino, Mon Confiado, Epy Quizon, Gwen Zamora, Karl Medina, Aaron Villaflor, Alvin Anson, Art Acuña, Ronnie Lazaro, Perla Bautista, Jojit Lorenzo, Carlo Cruz, Che Ramos, Matt Evans, RK Bagatsing, Stephanie Sol, Miguel Faustmann, Jason Dewey, Bret Jackson, Ethan Salvador, Robert Seña, at Benjamin Alves.

Ang nasabing pelikula ay suportado ng government agencies, tulad ng National Commission for Culture and the Arts, National Historical Commission of the Philippines, Department of Education, at Film Development Council of the Philippines. Kasama rin ang Rain or Shine Caffe Puro, LG Electronics Philippines, Bellagio Hills - Paoay, Ilocos Norte at Al Amir Resort, Tarlac City, Michellis, Primera Light Brandy, Danes Cheese spread, San Miguel Corporation, Nissin Cup Noodles, Stylex, Hygienex, Century Tuna, at Ferangelie Guitar.

-REGGEE BONOAN