NASA last two weeks na lang ang top-afternoon prime drama series na Contessa, kaya naman nakakaramdam na ng separation anxiety ang cast ng serye na sina Glaiza de Castro, Geoff Eigenmann, Chanda Romero, Lauren Young, Gabby Eigenmann, Jak Roberto, Neil Ryan Sese, Max Collins, at Tetchie Agbayani.

Nagsimula ang serye last March 19, sa direksiyon ni Albert Langitan. Pero hindi tulad sa mabigat at puro gantihan na takbo ng story, happy sa set ang cast at sa aktingan lang sila magkakaaway.

Kaya naman malungkot si Glaiza, pero nagpasalamat siya nang isang fan ang nagpadala ng artwork niya ng imahe ng aktres. Naikonek pa ni @konata_vi_brittania ang kanyang obra sa theme song ng Contessa, ang Dito Sa Aking Mundo, na original song ni Richard Reynoso.

“Na-realize ko na ang ganda pala ng mensahe ng theme song namin, titled Dito Sa Aking Mundo na ako ang kumanta,” sabi ni Glaiza. “Ilan sa lyrics: Dito sa aking mundo’y may pag-asa ang pangarap. Dito sa aking mundo’y walang api, walang mahirap. Pero based sa mga pangyayari (sa Contessa), hindi pa dumarating ang sinasabi sa lyrics.”

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Oo nga naman. Wala pang natutupad sa mga pangarap ni Bea or Contessa. Meron mang magandang nangyari pero laging nandun ang pamilya Imperial (Chanda, Gabby, at Lauren) na gumaganti sa lahat ng mga ginagawa nila.

Kaya naman ang tanong ng mga netizens na nakasubaybay sa Contessa, kailan daw matatapos ang kasamaan ng mga Imperial?

“Huwag po kayong mag-alaala, bibigyan namin kayo ng magandang ending ng serye namin,” pagtitiyak ni Direk Albert. “At maraming salamat sa inyong pagsubaybay sa Contessa.”

Mapapanood ang Contessa Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga.

-Nora V. Calderon