JAKARTA— Muling naungusan ng Chinese-Taipei ang Philippine Blu Girls, 3-6, sapat para masibak sa medal round nitong Huwebes sa 18th Asian Games softball competition sa Gelora Bung Karno diamond.
Matikas na nakihamok ang Filipinas at nagawang makatbla sa 1-1 matapos ang first innings, ngunit nabigong makaisor sa sumunod na tatlong innings dahilan para makasirit ang karibal.
Samantala, hindi naman nakalahok si Billy Joseph Ang sa jet ski event sa Ancol Beach matapos mabigong ma-release sa Indonesian Customs ang kanyang dalang jet ski.
Sa kabila ng apela ng mga local officials, hindi napagbigyan na mailabas ang jet ski ng Pinoy na naharang sa kanyang pagdating sa nakalipas na Sabado sa Jakarta International Airport Customs Warehouse.
“Customs problems. Even the Vice President of Indonesia [Jusuf Kalla] intervened but the Customs officials didn’t budge,” pahayag ni Team Philippines Chief of Mission Richard Gomez.