SINIMULANG ipagdiwang nitong Agpsto 20, 2018 ang Doble Dekada o ang ika-20 taon ng University Rizal System (URS) Binagonan Campus. Ayon kay G. Hermy Estrabo, campus director ng URS Binangonan, ang tema ng paksa ng selebrsyon ng ika-20 Taon ng URS Binangonann ay “Fortifying Educational Pursuit and Human Values in Achieving Sustainable Innovarion”.
Ang pagdiriwang ng Doble Dekada ng URS Binangonan Campus ay hudyat ng isang programa sa Casimiro Ynares Sr. Gymnasium sa Binangonan, Rizal. Tampok na panauhing tagapagsalita si dating Rizal Congressman Dr. Bibit Duavit na author ng Republic Act 9157, na naging daan sa pagkakaroon ng Universityy of Rizal System (URS) sa lalawigam ng Rizal. Sa ngayon, sampu na ang campus ng URS sa Rizal. Sa bahagi ng mensahe ni Dr. Bibit Duavit, nanawagan siya na upang patuloy na matupad ang mission-vision ng campus, kailangang magkaroon ng mga innovative strategies ang mga namumuno at nagtuturo sa naturang campus.
Sa panahon ng panunungkulan nina dating Rizal Congressman Dr. Bibit Duavit at Rizal Governor Ito Ynares, Jr., ay nagkaisa sila na bigyan ng prioridad ang edukasyon at ang kalusugan sa lalawigan ng Rizal. Nagtayo ng mga school building sa iba’t ibang bayan sa Rizal, gayundin din sa iba’t ibang barangay na nasa bundok at nasa Talim Island. Tuwing school opening o simula ng pasukan, hindi naging problema ang mga silid-aralan sa mga paaralan. Nagtayo rin ng mga ospital sa Rizal na tinawag na Rizal Provincial Hospital System.
Tampok na bahagi ng unang araw ng pagdiriwang ng Doble Dekada ng URS Binangonan campus ang pagkakaloob ng Plaque of Recognition o pagkilala sa itinuturing na apat na Pillar o Haligi ng URS Binangonan na sina Dr. Bibit Duavit, dating Rizal Gob Ito Ynares, Jr., Dr. Heracleo Lagrada at Binangonan Mayor Engr. Cesar Ynares.
Sa darating na Agosto 28, 2108, bahagi rin dito ang socio-cultural presentation ng mga mag-aaral sa campus. Tampok sa Foundation Day ang isang Misa ng Pasasalamat. Kasunod nito ang forum o talakayan tungkol sa TRAIN ( Tax Reform Acceleration and Inclusion) Law. Gagawin ang forum sa multi-purpose hall ng URS Binangonan. Bahagi rin ng psagdiriwang ang exhibition game sa basketball at volleyball ng mga faculty at staff.
Ang mga kurso na pinag-aaralan sa URS Binangonan campus ay ang BS (Bachelor of Science) in Information Technology, BS Accountancy, BS Office Administration, BS Human Resource at BS Information System.
-Clemen Bautista