NAG-POST ang Guinness World Records (@GWR) para kilalanin ang #AlDubEBTamangPanahon ng concert nina Alden Richards at Maine Mendoza bilang “most used hashtag” sa Twitter nitong Huwebes, para sa #hashtagday.

Alden & Maine - TP copy

“DYK, the most used hashtag in 24 hours on @Twitter was #AlDubEBTamang Panahon, with 40,706,392 uses from 24 Oct-25 Oct, 2015, inspired by a benefit concert and celebrity couple AlDub from the Philippines TV show @EatBulaga #hashtagday.”

Post naman si @tonette913: “The only Ph ‘celebrity couple’ that made it to the Guinness World Records. Hope we can make another record when we reach our 1 Billion tweet goal.”

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Ang latest count ng HT ALDUB Road to 1B as of August 23, 2018 ay 955,469,805 tweets, meaning malapit-lapit na silang makaabot sa one billion goal nila.

Samantala, kababalik lang ni Alden morning of August 24, mula sa isang mall show ng ine-endorse niyang Neozep sa General Santos, at diretso na rin siya sa taping ng Victor Magtanggol. Halos walang tulog si Alden dahil umalis siya ng 6:00 am sa Manila to GenSan last Thursday morning after ma-pack-up ng 3:00 am sa taping. No time siyang mag-rest pagdating sa GenSan dahil may meet and greet at interview pa siya bago ang show kinagabihan. Naka-attend din siya ng birthday lunch ni Baeby Baste sa bahay nito sa GenSan, at six years old na ang bagets last August 23.

Kinagabihan sa show, sa pagod na yata ni Alden ay siya man ay natawa at nag-sorry nang makalimutan niya ang ilang lyrics ng bago niyang single na I Will Be Here sa third album niya sa GMA Records. After the show, sana ay nagkaroon ng enough sleep si Alden bago siya bumalik sa Manila early morning of August 24.

Today naman, Saturday, gagawin ang launch ng 40 candidates ng Miss Millennial Philippines 2018 sa Eat Bulaga. After EB, magkakaroon naman ng “Victor Magtanggol Show” sa Marquee Mall sa Angeles City, Pampanga ang cast ng Victor Magtanggol na sina Alden, Andrea Torres, Dion Ignacio, Kristoffer Martin, Lindsay Johnston, at featured ang GMA’s newest boyband group, ang JBK The Millennial Trio na sina Joshua Bulot, Bryan del Rosario, at Kim Ordonio. Magsisimula ang show ng 5:00 PM.

-NORA V. CALDERON