SA pamamagitan ng programang Bangsamoro Regional Inclusive Development for Growth and Empowerment (BRIDGE) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), nakatakda nang simulan ang pagtatayo ng nasa 100 bahay para sa mahihirap na pamilya sa baybaying bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.

Nitong Miyerkules, pinangunahan ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang groundbreaking ceremony para sa proyekto, kasama ang iba pang lokal na opisyal sa pamumuno ni Mayor Raida Tomawis-Sinsuat at ang nasa 100 benipisyaryong pamilya.

“The first time I went here, all I saw was the municipal covered court. Now I can see many developments taking place, like the modern town hall and the continuous concreting of roads connecting one barangay to another,” ani Gov. Hataman.

“This is the taxes you paid to the government, and it is being returned to you through development projects and services,” paliwanag pa niya.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Kapag nakumpleto, bawat bahay ay magkakaroon ng sariling sistema ng tubig at solar panel para sa ilaw bilang dagdag na serbisyo.

Kasabay ng seremonya, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng pangunahing pangangailangan, kabilang ang isang sako ng bigas at iba mahahalagang pagkain at hygiene kit para sa loob ng isang buwan.

Gamit ang nasa P2.5 bilyong pondo, layunin ng programang ARMM-BRIDGE na maiayos at maiangat ang kondisyon ng pamumuhay ng nasa 7,000 pamilya sa rehiyon kada taon.

Kasama naman sa program package ang pagbibigay ng disenteng matitirahan at pagkain sa mahihirap na residente ng rehiyon sa ilalim ng “Apat na Dapat,” kung saan bawat benepisyaryo ay dapat na makatanggap ng maayos na tirahan, malinis na tubig, kuryente, pagkain at pangkabuhayan.

PNA