SA Kambal Karibal ay nakipagsabayan si Pauline Mendoza sa pagalingan ng acting kina Bianca Umali at Kyline Alcantara, at lumutang naman ang husay niya, sa true lang.

Pauline

Eighteen years old pa lang sa ngayon itong si Pauline, na ang real name ay Pauline Bianca Cruz Esquieres, and she started doing TV and print commercials noong siya ay three years old pa lang.

Tinanong ni Yours Truly kung paano na-discover si Pauline sa showbiz?

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Na discover po ako ng GMA Artist Center. Nung naging model ako ng Mossimo. May taga-Artist Center nun. Then he told me na mag-audition sa Artist Center. So, nag-audition po ako, then luckily nakuha nila ako.

“Unang project na nagawa ko po is Little Nanay. Sa mismong taping po ako nag-audition nun. Guest role lang po ako nun. Pero ang pinaka-first main cast show ko po is That’s My Amboy.”

After Little Nanay at That’s My Amboy, nakasama rin itong si Pauline sa My Love From The Star at Alyas Robinhood Season 1 bago siya nasama sa cast ng Kambal Karibal. Nagkaroon rin siya ng guest roles sa Magpakailanman, Maynila, Mars, Wagas, at Tadhana.

After doing Kambal Karibal, hangad naman ni Pauline na makasama ang fave Kapuso actress niyang si Marian Rivera.

“I’d like to work with Ate Yan po. Yes, si Ms. Marian Rivera. Kasi po si Kuya Dong (Dingdong Dantes) po naka-work ko na po sa Alyas Robinhood and he’s super nice po. And sana si Ms. Marian din po maka-work ko next show.

“Saka sabi po ng ibang artista sobrang bait daw po ni Ate Yan, and masaya katrabaho, kaya gusto ko po ma-experience working with her, as in magka-eksena together. Kasi nakasama ko na po siya sa SPS (Sunday PinaSaya), pero hindi ko po sya nakasama sa mga segments dun,” kuwento pa ni Pauline.

So, are you reading now, Marian Rivera-Dantes? Kapwa Kapuso mo, fan mo, ha, in pernes.

Eh, if ever, sino naman ang gusto niyang maging ka-love team sa mga Kapuso male stars?

“About love team, if magkaka-love team man po ako, gusto ko ‘yung ka-close ko po, and ‘yung mabait sa ‘kin siyempre. ‘Yung comfortable katrabaho or better yet naka-work ko na po. Like Jeric (Gonzales), André (Paras), mga ganun.

“Pero network and manager ko pa rin po masusunod, kung sino na lang po siguro ‘yung bagay,” nakangiting pagtatapos ng fast-rising Kapuso star.

-MERCY LEJARDE