Isinailalim na sa state of calamity ang Zamboanga City dahil sa kakapusan nito sa supply ng bigas, na naging sanhi na rin ng pagtaas ng presyo ng commercial rice sa mga pangunahing pamilihan sa naturang lugar.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco, layunin lamang nito na mapagtuunan ng pansin ang kakulangan ng bigas sa lungsod at masolusyunan na rin ang paglobo ng presyo nito.

Sa kasalukuyan, aabot sa P68 kada kilo ang commerical rice at ang pinakamamaba nito ay umaabot sa P55 bawat kilo, na labis na ikinabigat sa bulsa ng mga mamimili.

Pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng lungsod na magpataw ng price ceiling sa commercial rice, upang maibenta ito sa lungsod ng P45 kada kilo sa loob ng tatlong buwan.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Hihilingin na rin nila sa National Food Authority (NFA) supplyan pa sila ng bigas.

Isinusulong na rin ni Zamboanga City 1st District Rep. Celso Lobregat na lumikha ng food security program sa lungsod.

Ang lungsod, aniya, ay net importer ng bigas mula nang hindi mapunan ng local production ng bigas ang demand ng lumalaking populasyon nito.

“The declaration of the state of calamity in the city is an admission that there is really something wrong, this is an economic issue which affects the poorest of the poor, that’s why as an official of the government, I have to initiate moves to address the present economic crisis,” dagdag pa ni Lobregat.

-NONOY LACSON at ELLSON A. QUISMORIO