MAY official YouTube channel na ang Eat Bulaga para lalo pang mapalawak ang kanilang reach worldwide. Nagagamit nila ang http://www.youtube.com/eatbulaga1979 para maipakita sa viewers ang iba pang mga nangyayari sa show bukod sa napapanood sa screen.Breakthrough ang pagpapakita nila ngayon sa mga gawain ng kanilang staff sa likod ng kamera. Ayon kay Joey de Leon, off-cam talents ang sekreto kaya sila nakakapaghatid ng magandang show.

Pia Guanio at Pauleen Luna

“We feel blessed that we are entering our 40th year dahil wala namang ibang makakapagsabi na naabot nila ang ganitong milestone sa Philippine television history. At sa likod ng success na ito, eh, ang men and women ng production team and management na nagbigay ng kanilang undivided time and passion sa programa,” sabi ni Joey.

“Actually ‘yung staff namin puwede na din sila mag-host kasi alam na nila ang mga gagawin namin. Alam nila lahat ng aspeto ng programa dahil ang iba dito, eh, dekada na din ang itinagal sa trabaho. Nakaka-proud na makatrabaho ang mga tao sa Eat Bulaga because they are the best in the business.”

Anak nina Marian, Dingdong nakatanggap ng regalo kay Olivia Rodrigo

Naranasan na ng EB hosts ang production work sa pamamagitan ng special anniversary web series na pinamagatang “Eat Bulaga Behind the Scenes (EB BTS)” na napapanood na sa kanilang YouTube channel. Inilunsad ang EB BTS para sa kasiyahan ng netizens.

“We are a small group but we’ve always been the leader in this format and on this timeslot. Gusto namin makita ng viewers kung ano’ng nangyayari behind the camera at ‘yung segments na minahal nila. I think it is high time na ma-acknowledge ang mga tao sa production na nagtatrabaho day and night para makapag-produce ng quality programming,” pahayag ni Jenny Ferre, SVP for Creatives and Operations ng Eat Bulaga.

Nauna nang na-upload sa EB BTS ang pagiging production assistant ni Pauleen Luna at pagiging social media managers nina Joey at Ryzza Mae Dizon. Naging registration staff, executive producer at location manager naman sina Ruby Rodriguez, Pia Guanio at Luane Dy ng Sugod Bahay team ng “Juan For All (JFA).”

“I appreciate them (staff) more because I saw how hard it was. Sa experience ko as registration staff, hindi lang naman isang bahay ang binisita ko kundi lahat ng bahay sa area na ‘yun. Pagkatapos ng trabaho, eh, babalik pa sila sa office at tatawagan ang bawat pamilya na nag-register.“’Yung nakikita natin sa television ay parte lamang ng isang malaking trabaho kasi kahit sila ay tulung-tulong sa demands ng programa. Actually kaming mga hosts, mas madali ang task namin dahil execution na lang trabaho iisipin mo. Ang mga mukha sa likod ng camera ang may mas malaking tungkulin na mag-provide ng isang maganda at quality na programa.”

“Akala ko easy, easy lang na kunyari nagsusulat lang, pero hindi pala,” kuwento naman ni Wally Bayola. “Talagang mag-iisip ka at magpi-pitch in ka ng idea mo. Kailangan din mabilis ka mag-isip kasi live ‘yung program. Nagsisimula lang ang trabaho ng writers dito after the show. Magmi-meeting sila para mag-brainstorm kung ano ang magandang gawin for the next day maliban pa sa production number sa Sabado. Kailangan alerto ka talaga sa trabaho.”

“Sila talaga ang mga unsung heroes ng Eat Bulaga,” pag-amin ni Joey. “Mas madali ang trabaho dahil sa competency nila. Tulay din sila sa pagpapatuloy ng pangako ng show na magbigay ng pure entertainment at mag-extend ng tulong sa milyun-milyung Pilipino worldwide.”Sa susunod na episodes ng “EB BTS,” mapapanood naman sina Allan K., Maine Mendoza, Alden Richards, Jose Manalo at ang buong Dabarkads.

-DINDO M. BALARES