JAKARTA, Indonesia — Mistulang intensity 7 na lindol ang tumama at nagpayanig sa ‘Great Wall’ ng Chinese basketball team, ngunit nagawa nilang maalpasan ang matikas na Philippines squad, na pinangungunahan ni Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson.

Sa kabila nang bilis, teamwork at outside shooting, umarangkada ang Pinoy at kinasiyahan lamang ng suwerte sa krusyal na sandali ang Chinese squad para maitakas ang 82-80 panalo at walisin ang three-team Group D elimination stage.

Hindi itinanggi ni Chinese center Zhou Qi, naglalaro sa Houston Rockets sa NBA, na malaki ang itinaas ng kalidad ng Team Philippines at isang aral ang natutunan nila sa laban na mistulang championship match.

“I think we made some mistakes today,” pahayag ng 7-foot-1 na si Qi, tumipa ng 25 puntos para pangunahan ang China.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I think when we go back we will learn the lessons from the third and fourth quarters, and to avoid the same mistakes in the upcoming matches. We need to give everything we can to fight for every single point,” aniya.

Kumana naman si Ding Yanyuhang, isa pang NBA player mula sa Dallas Mavericknter, ng pitong puntos.

Nakaamba na ang kabiguan sa China nang magbalik-aksiyon si Clarkson matapos ipahinga ang paa na nagtamo ng cramps, ngunit sa krusyal na sandali sumablay ang three-pointer ni Paul Lee-Dalistan na nagselyo sa panalo ng Chinese.

“After he cramped, Jordan couldn’t play his 100-percent best,” sambit ni Philippines coach Joseller Guiao. “But even without him in there we still played well.”

Sa kabila ng kabiguan, pasok sa quarterfinals ang Philippine Team at haharapin ang South Korea para sa Final Four seats.

Matapos ang arangkada sa third period, napanatili ng Pinoy ang momentum at nakabante sa 78-75. Tangan ng Nationals ang 80-78 bentahe may isang minuto ang nalalabik nang magtamo ng turnover si Stanley Pringle na naging daan para makatabla ang China sa 80-all.

“We have to keep moving on and hope we get to play them (China) again in the tournament,” pahayag ni Philippines guard Gabriel Norwood.

“I don’t see this as a loss,” sambit ni Guiao.

“We formed this team only two weeks ago, and Jordan just flew in five days ago. He was able to get into the flow quickly. We’re a lot better with Jordan Clarkson.”