Nagkaroon ng kakampi si Vice President Leni Robredo at ang mga lokal na opisyal ng Naga City sa katauhan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na hindi napatunayang talamak ang droga, partikular sa shabu, sa siyudad.

“I really don’t know where the President got his information on that but as far as we are concerned, there are indeed drugs in Bicol region. (The same) in all other regions because of the shorelines,” sabi ni Albayalde.

Kamakailan, tinukoy ni Pangulong Duterte ang Naga City na pinagmumulan ng shabu sa bansa.

Hindi tinanggap ni Robredo, na tubong Naga City, ang naturang pahayag. Pinabulaanan din ng mga opisyal ng Naga ang pahayag ng Pangulo.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Una nang sinabi ng Malacañang na hindi na kailangan patunayan kung totoo o hindi ang pahayag ng Pangulo, bilang tugon sa hamon ng alegasyon ni Duterte.

“When you says of hotbed it’s like a source… meron talaga but not necessarily the hottest,” said Albayalde.

-Aaron Recuenco