Naaresto ng pinagsanib-puwersa ng District Special Operation Unit (DSOU) at ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang isa umanong tulak ng ilegal na droga at limang iba pa sa buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Gregorio N. Lim ang mga dinampot na sina Maribelle Villa, alyas Eilyn, 42; at pinsan niyang si Jonathan Nava, 24, kapwa nakatira sa Block 38, Lot 1, Phase 3, F1 Dagat-dagatan, Barangay 12 ng lungsod; Mary Rose Tayabang, 29, ng Block 51, Silat 6, Phase 3, F2 Kaunlaran Village, Bgy. 8; Erly Decujos, 58; Manny Carlos, 32; at Patricio Nava, 23, pawang ng Block 38, Lot 16, Phase 3, Bgy. 12, Caloocan City.

“Actually nasa drug watch list namin itong si alyas Erlyn (Maribelle) kaya naka-under survilliance ito,” ani Director Lim.

Sa ganap na 9:30 ng gabi, ikinasa ng DSOU at DDEU ang buy-bust sa tapat ng inuupahang apartment ni Villa.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa pag-abot ni Villa ng ilegal na droga, agad siyang pinosasan ng mga pulis.

Pinasok ng mga pulis ang bahay ni Villa at nadatnan ang limang suspek na gumagamit ng droga.

Nasamsam sa mga suspek ang mga drug paraphernalia at siyam na pakete ng umano’y shabu.

Kinasuhan ang magpinsan ng paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) habang kasong possession of comprehensive dangerous drug act sa apat pa.

-Orly L. Barcala