Mga Laro sa Biyernes

(Filoil Flying V Centre)

8 a.m.- CSJL vs EAC (jrs)

10 a.m.- UPHSD vs CSB (jrs)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

12 nn.-CSJL vs EAC (srs)

2 p.m.- UPHSD vs CSB (srs)

4 p.m.- AU vs SBU (srs)

6 p.m.- AU vs SBU (jrs)

Standings W L

LPU 9 0

San Beda 6 1

UPHSD 5 2

Letran 5 3

CSB 5 3

Arellano U 3 4

JRU 2 6

EAC 2 6

Mapua 2 7

San Sebastian 1 8

NAULIT ang marka na inukit ni CJ Perez at ng Lyceum Pirates nang gapiin ang defending champion San Beda, 73-66, nitong Martes para walisin ang nine-game first round ng 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre in San Juan City.

Hataw ang reigning MVP sa game-high 22 puntos para sandigan ang ratsada ng Pirates para sa ikasiyam na sunod na panalo, habang ipinatikim sa Red Lions ang unang kabiguan sa anim na laro.

Dikit ang laban mula simula hanggang wakas at nayanig ang kapaligiran sa hiyawan nang maitabla ni Robert Bolick, last year’ Final MVP, ang iskor sa 64-all mula sa three-pointer may 2:34 sa laro.

Ngunit, nakabawi ang LPU at naibaba ang 9-2 run, sa pangunguna ni Perez para tuluyang maibaon ang Red Lions.

Sa nakalipas na season, winalis din ng Lyceum ang firsr round tungo sa 18-game sweep sa elimination. Ngunit, nginata ang Pirates ng Red Lions sa championship series.

Sa unang laro, naitala ni Bong Quinto ang unang career triple-double para sandigan ang Letran kontra Mapua, 84-63.

Kumubra si Quinto ng 15 puntos, 10 rebounds at 11 assists.

Iskor:

(Unang Laro)

LETRAN (84) – Calvo 20, Muyang 15, Quinto 12, Batiller 11, Fajarito 10, Ambohot 7, Yu 3, Balagasay 2, Agbong 2, Taladua 2, Balanza 0, Celis 0, Mandreza 0, Galvelo 0, Banez 0

MAPUA (63) – Gamboa 13, Bonifacio 9, Bunag 9, Victoria 6, Pajarillo 6, Pelayo 5, Lugo 4, Aguirre 4, Jabel 3, Salenga 2, Garcia 2, Biteng 0, Serrano 0

Quarterscores: 23-13, 42-25, 63-39, 84-63

(Ikalawang Laro)

LPU (73) – Perez 22, Marcelino JC 13, Pretta 11, Ayaay 6, Caduyac 5, Nzeusseu 4, Marcelino JV 4, Ibanez 3, Tansingco 3, Serrano 2, Santos 0, Yong 0

SAN BEDA (66) – Tankoua 19, Bolick 18, Mocon 10, Soberano 10, Canlas 4, Doliguez 3, Eugene 2, Abuda 0, Nelle 0, Presbitero 0, Oftana 0, Tongco 0

Quarterscores: 19-17, 35-28, 50-50, 73-66