Limang bahay ang natupok sa pagsiklab ng apoy sa isang residential area sa Antonio Street sa Dapitan, sa likod ng University of Santo Tomas (UST), sa Sampaloc, Maynila, nitong Martes ng hapon.

Walang iniulat na nasaktan ngunit walong pamilya ang naapektuhan sa naturang insidente.

Ayon Senior Insp. Redentor Alumno ng Manila Fire Bureau, nagsimula ang apoy sa dalawang palapag na residential house na pag-aari ni Roberto Santiago, 76, na iniwang nakabukas ang isang electric fan na pinaniniwalaang nag-overheat at pinagmulan ng apoy.

Sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa ganap na 4:45 ng hapon at umabot sa ikalawang alarma sa ganap na 4:48 ng hapon.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“We should always make sure that if we let other people repair an electric fan or any other appliances, make sure that is properly repaired,” pahayag ni Alumno.

Tumagal ang sunog ng isang oras bago tuluyang naapula sa ganap na 6:01 ng hapon.

Nasa P450,000 halaga ang ari-arian ang naabo, ayon kay Alumno.

-Erma R. Edera