NAGLABAS ng sintemyento ang ama at coach ni Asian Top rank rider na si Ariana Thea Patrice Dormitorio sa pamunuan ng PhilCycling matapos ang kabiguan sa 2018 Asian Games na ginaganap sa Indonesia.

dormitoryo copy

Ayon kay Donjie Dormitorio, sa pamamagitan ng isang post sa social media, magbibitiw na sila ng kanyang anak na si Ariana, sa National Team, gayung hindi ito nakakuha ng buong suporta buhat sa nasabing national Sports Association (NSA).

Bigo na makaalpas sa 2nd Lap ang 22 anyos na si Dormitorio sa kanyang naging kampanya sa Asiad na naging sanhi ng kanyang pagkatalo at di inaasahang injury buhat dito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sinabi ni Donjie, na hindi inasikaso agad ng PhilCycling ang kanyang pagpunta sa Indoensia upang makasama sana ang kanyang anak sa laban nito para sa quadrennial meet.

“With Ariana’s result in the just concluded Asian Games, we are signifying our intention now, and will officially render our resignation from the National Team the moment Ariana gets back from Indonesia,” ayon sa nakatatandang Dormitorio.

Mistulang pinabayaan ng PhilCycling ang kanyang anak, partikular na ng Deputy Sec-Gen nito na si Kamilla Sumagui sa hindi pagasikaso para sa paghahanda ng kanyang anak para sa nasabing laban.

“We would like to voice our disappointment over how we were supported by Philcycling through their Deputy Secretary General, Ms. Kamilla Sumagui, for our preparation and eventual participation in the Asian Games. Our main disappointment was Philcycling’s failure to include me in the delegation support for Ariana, where I am her official coach and trainer,” ayon pa sa pahayag ng ama ni Dormitorio.

Handa umano siyang magbayad sa kanyang pamasahe makasama lamang sa delegasyon, ngunit mas pinaboran pa umano ng PhilCycling ang ibang coaches na makasama sa byahe patungong Indonesia.

“We even requested that I will pay for my own expenses just as long I can be included in the official delegation so that I can gain access to and assistance from the organizer. But this they even did not consider despite their availability to include other Coaches and Mechanics, some of which are not even relevant at the specific event,” aniya.

Si Ariana ang isa sa ipinapalagay na may potensyal na makapag uwi ng gintong medalya buhat sa Asiad gayung nasa Top List sa Asya pati na sa Asian Continental Championships under 23, isama pa ang kanyang record sa Asia MTB series Female Elite.

“We felt she deserve to be given full support to ensure her 100 percent performance on race day. My being not with her in her race drops down her performance and this we saw on her actual race, not maintaining focus due to the psychological stress of not having her Coach, and Father, with her in this big event. We feel that we are no longer happy with this and will want out of the National team,” pagdidiin ng ama ni Dormitorio.

Samantala, wala pa namang pahayag ang pamunuan ng Philippine Cycling Federation hinggil sa naturang isyu.

-Annie Abad