BATANGAS - Dead on the spot ang isa umanong carnapper nang makipagbarilan umano ito sa mga pulis sa Barangay San Pedro, Malvar, kamakailan.

Ayon kay Chief Insp. Arwin Baby Caimbon, hepe ng Malvar police, hindi pa nila tukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

Nagtungo sa police station si Ruel Mata, upang i-report ang pang-aagaw sa kanyang motorsiklo.

Nang magsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Malvar Police at Highway Patrol Group (HPG), nakorner ang mga suspek sa Bgy. San Pedro 1 ngunit nakatakas ang isa sakay sa itim na motorsiklo.

Probinsya

30-anyos transwoman, pinatay ng nobyo

Sa halip na sumuko, pinaputukan pa umano nito ng baril ang mga pulis.

Narekober sa suspek ang isang cal.45 baril at ang ninakaw na motorsiklo.

-Lyka Manalo