Kulong ang apat na beauticians nang mahuli sa aktong nagsusugal at nakuhanan pa ng umano’y shabu sa isang parlor sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Police Supt. Ferdie Del Rosario, Assistant Chief of Police for Administration (ACOPA), kay Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Gregorio N. Lim, kinilala ang mga naaresto na sina Manuel Vigila, Jr., 39, ng Sta Lucia Village, Phase 3, Barangay Punturin, Valenzuela City; Ronnie Fernandez, 40; Oscar De Guzman, 42, kapwa nakatira sa No. 161 General Luis Street, Kaybiga, Caloocan City; at Custodio Camasa, 33 ng NPC Line Kaybiga, Caloocan City.

Ayon kay Col. Del Rosario, nakatanggap ng reklamo ang Police Community Precinct (PCP) 6 hinggil sa umano’y ingay ng mga nagsusugal sa parlor na pinamamahalaan nina De Guzman at Fernandez, dakong 1:00 ng madaling araw.

Rumesponde ang mga pulis at nahuli sa aktong nagsusugal ang mga suspek, na agad na kinapkapan hanggang sa nakuha ang tig-iisang pakete ng umano’y shabu.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang set ng playing cards at P380 bet money.

Kinasuhan ang mga suspek ng PD 1602 (illegal gambling), at paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 (illegal possession of dangerous drug).

-Orly L. Barcala