Nakauwi na ang 15 mangingisdang Pilipino na nakulong sa Indonesia dahil sa ilegal na pangingisda, kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa ulat na ipinarating ni Consul General Oscar Orcine sa DFA, ang mga mangingisdang Pilipino, kasama ang kapitan ng kanilang fishing vessel, ay pinatawan ng limang buwan hanggang tatlong taong pagkakakulong dahil sa illegal fishing.

Pinagkalooban ng Konsulado ng Pilipinas ang naturang mga mangingisda ng tig-P5,000 welfare assistance, bago sila sumakay sa kanilang flight pauwi sa Pilipinas.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang mga mangingisdang Pinoy sa natanggap na tulong habang sila ay nasa kulungan.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Samantala, limang iba pang Pilipino, na nakulong sa Indonesia dahil sa overstaying, ang nakauwi na nitong Lunes.

-Bella Gamotea