IKINAGULAT ni 2017 Southeast Asian Games (SEAG) gold medallist Marella Salamat ang naging reaksyon ng Philippine Olympic Committee (POC) at PhilCycli hingil sa dahilan nang kanyang pagliban sa Team Philippines sa 2018 Asian Games.

Ayonsa 24-anyos na si Salamat, hindi desisyon ng pamunuan ng University of the East ang hindi niya pagsama sa Ph delegation, bagkus dahil sa personal niyang desisyon.

“I was surprised po about their reactions towards the decision. Actually po, it was not really UE’s decision na di ako maglaro sa Asian Games,” ayon kay Salamat sa panayam sa kanya ng Balita.

Batay sa mga naunang lumabas na balita kung saan nagbigay ng pahayaag si POC president Ricky Vargas at ang pamunuan ng PhiliCycling sa kanilang pagkadismaya sa naging patakaran ng UE at hindi umano ito katanggap tanggap.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit ayon kay Salamat, may personal siyang dahilan kung bakit niya pinili ang tapusin ang kanyang pag-aaral at lumiban sa Asian Games.

“It was more of a personal decision po because i was left with no other option but to choose to finish my dentistry studies na po already, also because it was also what my parents wanted na po,” paliwanag ni Salamat.

Gayunman, hindi naman umano niya tuluyang tatalikuran ang Cycling, kung saan ay nais plano pa rin niyang makalaro sa 2019 Southeast Asian Games.

“I’m still looking into the options if i will ride po for the ph team in next year’s sea games,” aniya.

Sa kabila nito ay nagpasalamat din siya sa mga sports officials sa walang sawang pag suporta sa mga gaya niyang atleta, lalo na ngayon sa kampanya ng bansa para sa Asiad.

“I’d just like to wish them all the best po, to do everything they can for the country, and to have the faith. Sa officials po naman, i’d like to thank them for supporting the athletes all throughout po,” ayon kay Salamat.

-Annie Abad