LESSON learned ang nangyari kay Kate Valdez to think before you click, dahil may taga-Davao na nagalit sa kanya dahil sa post niya sa Instagram.

Post kasi ni Kate niting Sabado: “Gusto ko ng umuwi natatakot na ako”, habang nasa Davao International Airport siya, after ng Kapuso Mall Show ng mga kasama sa cast ng Onanay.

Na-offend ang ilang taga-Davao na nakabasa sa post ni Kate, at tinanong si Kate kung saan siya natatakot. Ano raw ba ang akala niya sa Davao, “Land of Terrorism?”

Na-bash si Kate, tinawag na bagong artista at pati ang GMA-7 ay nadamay. Kung takot daw siya sa Davao, bakit siya pumunta para mag-promote ng Onanay? Sinabihan pa si Kate na marami pang kakaining bigas bago sumikat at malalaos daw ito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakarating kay Kate ang Facebook post na ‘yun at agad siyang nag-issue ng apology. Para hindi na madagdagan ang namba-bash sa kanya, dinisable muna ni Kate ang comment box ng kanyang Instagram account.

Nag-sorry na si Kate, sana patawarin na siya ng mga na-offend niya. Na-misinterpret lang siguro ang aktres, at siguro, magiging extra careful na siya next time.

Speaking of Onanay, nababasa naming may mga naiinis na sa karakter ni Kate sa serye dahil bilang si Natalie ay may pagkakontrabida ang karakter niya. Ayaw niyang kilalanin ang inang si Onay (Jo Berry) dahil sa pagiging unano nito.

-Nitz Miralles