ANG dami nang nag-like ng video na ipinost ni Mario Dumaual tungkol sa pagkikita nina Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto at Angel Locsin sa 80th birthday party ni Mother Lily Monteverde last Sunday sa Crowne Plaza. Nang bisitahin namin ang Instagram ni Mario, may 101,385 likes and views na ang video.

Vilma at Angel

Puro positive rin ang comments at may naiyak pa nga nang mapanood ang muling pagkikita ng muntik nang maging magbiyenan. May mga nanghinayang din na nag-break sina Angel at Luis Manzano, at ngayon nga ay may kanya-kanya na silang mahal sa buhay. Hindi na matutupad ang pangarap ng fans nina Luis at Angel na makita silang ikakasal.

Sa napanood naming video, si Angel ang lumapit at bumati kay Cong. Vilma, na katabi si Malou Santos. Umupo sandali si Angel sa harap ni Vilma at nagkuwentuhan sandali ang dalawa, at nagtawanan pa.

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Nang tumayo si Angel para magpaalam, tinapik-tapik ni Vilma ang palad ng dalaga

-NITZ MIRALLES