SUBANG, Indonesia – Tinamaan ng lintik ang kampanya ng cycling team nang naakidente si Ariana Thea Patrice Dormitorio sa ikalawang ikot ng five-lap race ng women cross-country nitong Martes sa 18th Asian Games.

Nangunguna si Dormitorio sa 12-man rider field, ngunit aksidenteng nabalahaw ang bisikleta at masadsad sa kaagahan ng laban. Nagtamo siya ng gasgas at injury sa hita, ngunit kaagad namang nalapatan ng lunas sa Medical Tent.

“I’m somehow disappointed,” pahayag ni Dormitorio, liyamado sa karera bilang may pinakamataas na UCI ranking (No. 100).

“Luck was not with me today.”

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ratsada si Dormitorio, 22, sa unang lap at sinusundan ng dalawang Chinese na sina Yao Bianwa at Li Hongfeng— ang nakakuha ng gold at silver medal.

Sa pagpasok sa Lap 2 ng 4.5-km circuit, nadiskaril ang diskarte ni Dormitoryo na ayon kay PhilCycling MTB Director Oscar “Boying” Rodriguez ay isang aspeto ng technical.

Hindi natantya ni Dormitorio ang kurbadong ruta na nagdulot nang kanyang pagbulusojk. Ayon sa medical team, nagtamo siya ng quad muscles sprained.

Sa pagkawala ng Pinay, matikas na somolo si Yao, 22, isang Asiad rookie cyclist, tungo sa panalo sa tyempong isang oras, 20 minuto at pitong segundo. Tumapos si Li na apat na minutong mas mabagal habang nakuha ni Thailand’s Natalie Panyawan (1:26:11) ang bronze.

Inamin ni Yao na ang pagkawala ni Dormitoryo ang naging daan sa kanyang tagumpay.

“The Philippine rider was strong and I am lucky to win,” aniya