NAG-POST na si Andi Eigenmann ng photo nilang dalawa ng boyfriend niyang si Philmar Alipayo, habang nasa Cloud 9 sila sa Siargao, para sa birthday ni Philmar. Kaya lang, parang sinadyang madilim ang picture, dahil hindi makita ang mukha nila. Waiting ang fans ni Andi sa mas malinaw na litrato nilang dalawa.

Andi

Napansin ng followers ni Andi na marunong na ang aktres ng salita ng mga taga-Surigao, dahil may halong Surigaonon ang birthday greetings ni Andi para sa nobyo.

“Happy birthday @chepoxz! You are easily, one of my favorite people in the world! You have the biggest heart I know, and you never fail to put a smile on everybody’s faces day by day. Lalo na sa ako. Salamat karajaw sa lahat! Malipajun ako na ini kaw sa amo kinabuhi.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa salitang Surigaonon, sinabi ni Andi na “Salamat nang marami. Masaya ako na dumating ka sa buhay namin.”Ang tinutukoy niyang namin ay ang anak na si Ellie.

Sumagot naman si Philmar: “Salamat karajaw, sobra ko sab ka malipajun.”

Request ng followers nina Andi at Philmar, sana sa susunod ay malinaw na litrato nilang dalawa sa kanilang i-post.

-Nitz Miralles